Hindi na Natuto [ni Fengshui]
"Aaay, syeete!!" ang bigla ko na lang nasabi sa sarili ko ng bigla akong nadulas sa madulas na bahagi ng pasilyo sa BulSU buti na lang hindi ako napaupo.
Ang dami na siguro talagang nadulas na din sa lugar na yun ng BulSU, dahil bukod sa akin ay may nakita na din akong iba na nadulas doon, kakilala ko man o hindi.
Tulad na lang ng kaibigan ko na itatago ko na lang sa alyas na "Salud" (na kung babasahin mo pabaliktad ay "DULAS" ), nung una sa may pasilyo, na sa tapat ng Cashier at ng Chess Institute, siya nadulas at sa pangalawa ay dun naman sa may third gate dahil may madulas ding bahagi ang gate na iyon. Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit patuloy pa rin siyang hindi nag-iingat at dumadaan doon sa lugar na madulas ayan tuloy, isang umaga at lunes pa man din, habang papunta kami sa kantina ay bigla na lang akong may narinig sa aking likuran at ng aking tinignan ay nadulas na naman siya pero mas malalala ito ngayon dahil napaupo na siya sa pagkakataong iyon.
Hay! Nakakahiya yun sa totoo lang dahil kahit na kaming mga kasama lang niya ang nagtatawanan sa nangyari ay kitang kita ko naman ang mga matatalim na mata ng mga nakakita mula sa Chess Institute ang dami pa naman nila. Kaya kayong mga magigiting na mambabasa paunawa lang po huwag natin tularan si Salud. Ang magandang aral: "Huwag tayong magpapadulas sa harap ng maraming tao."
Labels: Fengshui
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home