Interbyung Malupet! [ni Fengshui]
Ang kwentong ito ay aktwal na nangyari sa isang malapit na tao sa akin,(at sa totoo lang ay katabi ko siya ngayon habang sinusulat ko ito) na pinagdarasal kong hindi mangyari sa akin sa padating ng panahon.
Isang araw may tumawag sa'king kompanya at pinapatawag ako para sa isang interview. Nang pinuntahan ko na, siyempre dapat ang suot ay formal dress at disente kaya nag-white pants at black shirt ang suot ko. Habang papunta na ako sa kompanya, naglalakad sa kalsada na medyo basa pa dahil kauulan pa lang, ay may biglang may rumaragasang kotseang walang humpay sa pagharurot at dahil nga sa may tubig-tubig at maputik ang kalsada ay gumilid ako pero sa malas ay nahagip pa rin at natalsikan ang puti kong pantalon ng napakaduming putik. At dahil sa kailangan kailangan ng trabaho, kahit asar na sa nangyari, ay pumunta pa rin sa interview. Laking hiya ko non dahil lahat ng nasa opisina na nakakita ay nakatingin lahat sa kalahating puti at kalahating mala-tsokolate kong pantalon. At nung ako na ang iniinterbyu ay ang unang tinanong sa akin ay "Anung nangyari sa iyo?" habang nakatingin sa pants ko at kitang kita ko ang kanyang mukhang hindi maipinta. Asar! Yun ata ang naging dahilan kung ba't hindi ako natanggap eh.
Magandang aral: "Sa mga importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin ay dapat lagi kang handa, huwag kalimutang mag-isip ng maganda at kapanipaniwalang Alibi."
Labels: Fengshui
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home