Friday, February 9, 2007

Hay Buhay [ni Paranoia]

Naniniwala ka ba sa malas? E sa swerte? Pano mo masasabing minalas ka? Automatic na yata sa atin ang sabihing "minalas" kapag may hindi kanais nais na nangyari sa atin o sa iba. Para sa akin, masasabinng "malas" na nga kung sunod sunod na ang mga di inaasahang pangyayari. Natural naman kasi ang paminsan minsang pagkakamali o pagkalabit ng mapaglarong tadhana. Ngunit kung ito'y sunod sunod na, aba iba na yan mag-ingat ka na. Katulad na lamang nung maaksidente ako nang tatlong beses sa loob lamang ng isang taon, sunod sunod na buwan at petsa pa. May 22, July 23, August 24. Aba eh sino naman ang hindi mag-iisip na teka muna nasosobrahan na yata ako sa katangahan? Pambihira! Kamalasan!

Malas talaga pag hindi mo inaasahan. Nakakainis. Nakakawalang-gana. Sino nga naman ba ang nais malasin? Isang tahimik na hapon, may nagwawala sa text... "Pag kinalabit ka nga naman ng kamalasan oh.. konting linya na lang tapos na ko sa plate na to na kaninang lunch ko pa ginagawa, tapos napatakan lang ng ink?! gara oh!!"

Ayos lang naman ang paminsan minsang makaranas ng kamalasan. Sabi nga nila, pampadagdag kulay ng buhay. Exciting! Oo nga naman ang boring naman di ba kung walang malas at swerte. Pag may sinuswerte, syempre may minamalas. Balanse ng buhay ika nga. Sa kabila ng bawat kamalasan, may swerteng naghihintay.

Labels:


Wednesday, February 7, 2007

Napakahirap Mag-exam! [ni Fengshui]

Bilang isang mag- aaral isa sa mga magandang pangyayari at gusto ng lahat ay ang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit man o takdang aralin. Pero nakakaasar lang talaga dahil kung minsan ay kahit anong review pa ang gawin ko ay mababa pa rin ang nakukuha ko.

Tulad na lang ni Ms. Dren ("Nerd"), kaklase ko nung fourth year high school, nung tinext ko siya kung meron siyang maibabahaging kamalasan na naranasan niya, sabi niya na lang ay nung nakakuha siya ng 67 na grado sa kanilang exam and take note prelims pa naman daw nila ‘yon. Hayz, nung una ay medyo nabigla din ako sa sinabi n'ya, kahit na iyon palang ang nasabi n'yang kamalasan, sapagkat ang pagkakakilala ko sa kanya ay isang masipag at matiyagang estudyante at talaga namang nag-aaral kaya nakakabigla ng makakuha siya ng ganoong marka.

At dahil don ay naisip ko nanaman ang isang mapaglarong kaisipan na lagi na lang pumapasok sa aking isipan kapag nakakakuha ako ng mababang marka at yun ay "huwag ng mag-review pa sa tuwing may pagsusulit". Maraming beses na akong hindi nagrereview at kung kailan ganito ang ginagawa ko ay saka naman ako nakakakuha ng mataas na marka at highest pa kung minsan, kaysa naman na kapag pinaghirapan kong reviewhin ay saka pa ako nakakakuha ng hindi kanais nais na marka, at kahit na anong gawin kong pag-alala sa mga nireview ko kapag magsusulit na ay hindi ko pa rin ito maalala kaya lalo pa tuloy akong bumabagsak. Hayz!!

Tama na nga itong pagdadamdam ko sa mga mabababang marka at pahirap na pagsusulit, dahil ang isa ko pang kaibigan may masmalalang naranasan sa araw ng kanilang pagsusulit at sigurado kahit sino ay ayaw ding mangyari ito sa kanya. Hmm... Gusto n'yo bang malaman ang nangyari sa kanya? Sige na nga, heto na at hindi ko na kayo paghihintayin pa.

Ganito kasi ‘yon, sa isang silid aralan kung saan isang seksyon ay kumukuha at hirap na hirap sa kanilang pagsusulit ay may isang bata na hirap na hirap na din sa kanyang nararamdaman na pilit na tinatago at nililihim, ang ano? Ang pananakit ng kanyang tiyan. Oh, ano na gets n'yo ba? Hmm... Kung ang iniisip n'yo ay dinatnan siya ng diahrrea, may tama ka! Buti na nga lang daw ay grade 1 pa lang sila noon at sa lugar na iyon ay alang pakialamanan kapag nagsusulit na, kaya ligtas siya pero malas pa rin sapagkat dahil sa nangyari aynawalan na siya ng konsentrasyon sa pagsasagot. At ang nakuhang marka? Alam n'yo na yun!

Magandang aral: "Huwag masyadong damdamin ang exam. Huwag ng mag-review para walang pagsisihan. Ilabas na ang dapat na ilabas bago pumasok sa eskwela."

Labels:


Tuesday, February 6, 2007

Bahala Ka Na [ni Carandiru]

Naniniwala ako sa malas kasi nangyari na sa akin yun, syempre naniniwala din ako sa swerte kasi may time na nangyari skin yun. Tulad noong 4th year ako, yung huling pera ko sa wallet nawala, eh ‘di wala akong pamasahe, feeling ko talaga di na ko makakauwi, buti na lang mabait yung mayor ng student council pinahiram nya ko ng pamasahe at hndi nya lng ako pniharam hinatid pa nya ko sa bahay nmin, hehehehe. Same year din muntik ng mawala yung cellphone ko, eh bigay skin yun ng nanay ko kaya lalo akong kinabahan buti na lng nakonsiyensa yung kumuha kaya binalik nya skin ung fone ko, haaayyyy life nga nmn,.

Ahm eto na siguro yung pinakamasaklap na kamalasan na naganap sa buhay ko ngayon, ang pagiging committed ko sa isang tao na hindi naman ako sigurado kung mahal ko talaga, tpos biglang may mababalitaan pa ko na yung taong pilit kong kinakalimutan eh feels the same way too daw (yun yung sabi ng mga barkada ko), ang hrap non, tama na yung pagkukuwento about sa mga kamalasan ko magkwento naman ng tungkol sa iba heheheh (exciting!!). At yung best friend ko nakaranas din ng mga sari-saring kamalasan, at una na don yung pgkakakilala nya skin hehehe, ang alam kong pinakamalas naming araw eh noong last Christmas saka noong birthday nya, tama ba namang mglasing at magkalat sa bahay ng boyfriend ko hehehe, hhmmm speaking of alcoholic beverages at pagkalasing, yung bestfriend kong si Gian (hindi nya totoong pangalan) iinom lang sa may bukid pa kaya yun noong malasing nalaglag sa pinitak, at ang sabi, yun na daw yung una at huling paginom nya ng alak sa tanang buhay nya hehehe, at yung friend kong si Dapol (not his real name) noong uminom sya ng alak hindi nya alam kung ano ang nangyari sa kanya after nyang uminom at sa sobrang pagkalasing nya sumama sya sa bestfriend nya kasi may tiwala sya doon at saka may problem sya noon eh, saka alam nyang hindi itatake advantage nong bestfriend nya yung pakalasing nya pero sa kinamalasan nya nagkamali pala sya ng pagkakakilala sa best friend nya kaya yun muntik nang may mangyari buti na lang may natitira pang katinuan si Dapol kaya hindi nangyari yung gustong maganap nong best friend nya, kaya kayo dyan yung mga manginginom dyan wag nang iinom kapag hindi na kaya heheheh matuto na kayo sa mga examples na nabanggit.

At yung iba ko pang friends, experienced lahat ng kamalasan na hindi nila inakalang magaganap sa kanilang buhay ngayon, yung isa sinasakal ng girlfriend nya kaya yun naghanap ng iba at boom bumagsak sa akin yung loko at yung lokong beastfriend kong yun hindi nya sinabi sakin na hindi pa pala sila break nong nakakasakal nyang girlfriend kaya yun sinugod ako heheheh, at yung greatest kamalasan daw noong present boyfriend ko eh yung lagi daw syang niloloko ng mga nagugustuhan nyang girls pero dati daw yun weh. Hmmm sad to say pero need ko munang kumalap ng iba pang stories ng kamalasan dyan sa tabi- tabi hehhehe.

Labels:


Monday, February 5, 2007

Trese [ni Sisa]

Bakit kilala ang numero 13 bilang simbolo ng kamalasan?

-Si Alexander ay gustong maging Diyos kaya gumawa siya ng ika-13 na rebulto sa kanilang kapital. Siya ay namatay pagkatapos at naisip ng mga tao na ang kagustuhan niya na maging ika-13 na Diyos (12 Diyos, isa para sa bawat buwan) ang dahilan ng kanyang kamatayan.
-Ayon sa mga nag-aaral ng kasaysayan, may 13 tao sa Huling Hapunan ni Kristo at si Kristo ay ipinako noong Friday the 13th.

J O U R N A L

April 13, 1970
Nagkaroon ng pagsabog sa tangke ng oxygen ng Apollo 13 noong ito ay papunta sa buwan.

January 16, 2003
01-06-2003 (0+1+0+6+2+0+0+3 = 13) Ang Columbia Space Shuttle ay ipinadala sa kalawakan at sumabog habang nasa ere. Lahat ng crew members ay namatay.

June 13, 1997
Isang sunog ang nangyari sa gusali ng Uphaar Cinema sa Delhi, India. May 59 taong namatay at tinatayang 100 sugatan.

December 13, 2003
Si Saddam Hussein (ang kanyang pangalan ay binuboo ng 13 letra)

Labels:


Sunday, February 4, 2007

Guhit ng Palad [ni Saga]

Ang kamalasan ay sadya nga bang nakasalalay sa kamay ng tao o ang kapalaran na ang nagtatakda nito? Narito ang isang kwento na hango sa tunay na buhay na nakakapagsabi na ang kamalasan ay maaaring nakaguhit sa ating palad.

Mayo 16, 2005 si Aiko ay nakatakda dapat na sumundo sa kanyang tiyuhin na nanggaling sa ibang bansa, kasabay nito ang kanyang mga mga pinsan ay nakaplanong magpunta sa Batangas . May 15,2005 sa hindi inaasahang dahilan ang kanyang tiyahin ay hindi na sasama sa pagpunta sa batangas. Kaya si Aiko ay inanyayahan ng kanyang pinsan na sumama sa Batangas, dali naming pumayag ito at hindi na siya matutuloy na sumundo.

Kinabukasan tinanghali siyang gisingin subalit hinintay pa din siya, ng siya ay magbibihis na ang kanyang pantalon ay tila umurong na parang lumiit kaya hindi nito masuot tila may pinahihiwatig na huwag ng tumuloy. Sila ay bumaybay na patungo sa kanilang pupuntahan. Nang sila ay makarating agad silang bumaba at pinagmasdan ang maganda tanawin, sa hindi kalayuan ang kanyang pinsan ay natanawan ng isang magandang dagat. Agad itong nagyaya para pumunta doon, hindi na dapat sasama si Aiko subalit dahil nga sa pagpupumilit ng kanyang pinsan ay pumayag na din ito.

Habang papunta na sila sa tabing dagat, ang kanilang sinasakyan nila ay nasiraan kaya ang kanilang driver ay bumaba upang tingnan ito sinabi niyang maliit na sira at pagdating nalang sa dalampasigan ito aayusin. Ang pangyayaring ito ay tila isa pang pangitain na pumipigil sa kanilang pagtuloy. Sila nga ay tumuloy na, at isang kagimbalgimbal ang tila nakatakdang mangyari. Ang kanilang sinasakyan ay nahulog sa bangin habang papunta sa dagat. Sa pangyayaring ito siya kasama ang kanyang ilang pinsan, tiyahin at tiyuhin ay namatay. Sa kabilang dako sa kanyang mga pinsan na naiwan sa Hagonoy ay may tumatawag, at ito nga ay si aiko subalit sa mga panahong iyon ay wala na siya, ang dalaga ay nakapagtext pa din sa kanyang mga kamag-aral na tila nagpapaalam wari'y hindi na magkikitakita.
Itoy ay isang malunkot na kwento na nagpapakita ng kapalaran ng isang dalagita. Sa kabila ng maraming bagay na tila pumipigil upang ito ay hindi mangyari, tila sadyang nakaguhit na sa kanyang palad na mangyari ang trahedyang ito..

Kung ang kamalasan man ay kapalaran o tayo ang gumagawa nito, isa lang ang dapat nating tandaan. Na ang kamalasan ay walang pinipiling oras, tao o pangyayari. Ito ay maaaring maganap kahit sa hindi inaasahang panahon kaya dapat lagi tayong may ibayong pag-iingat at sampalataya sa Panginoon dahil nasa kanyang kamay ang aaring maganap.
Naniniwala ka ba sa guhit ng kapalaran? Naniniwala ka din ba na may taong pinanganak na malas? Tunghayan natin ang kwentong ito, at ating obserbahan at husgahan ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kamalasan.

"Haay, araw-araw nalang puro baka ung ulam natin mama wala na bang iba?" wika ni Jaypee sa ina.

"Ganon ba? Oh sige pakuha ka nalang kay yaya ng gusto mong ulam." Sagot ni Hilda sa anak.
"Wag na ma, magpadeliber ka na lang ng pizza at lasagna padala mo na lang sa kwarto ko maglalaro na lang ako ng Ragnarok sa computer." Tugon nito sa ina sabay alis sa mesang pinagkakainan at pumasok sa kwarto.

"Haay, palagi na lang ganito parang nagsasawa na ako sa buhay na ganito, halos lahat ng pagkain na yata nakain ko na eh." Wika niya sa sarili. Maya-maya lang ay may kumatok na sa kanyang kwarto at nag-abot ng delivery. Binuksan na niya ang kahon ng pizza at kumuha ng isang hiwa nito. Isusubo nasana niya ang pizza nang bigla na lang…

"Jaypee!!! Hoy bata ka mahuhuli ka na sa klase mo, mag-aalasyete na!" sigaw ni Hilda sa anak.
"Nay naman eh! Palagi ka na lang ganyan eh! Isusubo ko na yung pizza weh! Naman! Sayang tuloy dapat makakakain na ako ng pizza weh!" pabalang na sagot nito
sa ina.

"Hoy tantanan mo nga akong bata ka! Nung isang araw naman cake at tapa ung napapanaginipan mo. Tigilan mo na nga yang ilusyon mong iyan dahil walang matutulong na maganda yan sa'yo! Hala umigib ka na pampapaligo mo andun ung agahan mo sa mesa. Bilisan mo at huli ka na naman sa klase." Sabi nito sa anak.

Madaling-madali si Jaypee sa pag-aayos. Sa araw-araw ba naman ng ginawa ng Diyos eh, palaging ganito ang sinaryo tuwing umaga sa bahay nila. Tapos ng maligo si Jaypee at nagbihis na siya ng kanyang unipormeng mahahalatang lukot at hindi plantsado. Abala kasi ang ina nito sa paglalabandera kaya hindi na siya amsyadong naaasikaso. Binuklat ni Jaypee ang ulam sa lamesa at nakita niyang tuyo ang ulam, ito ang tuyong tira nila kagabi. Hindi na siya kumain sa pagkasuya sa ulam at dahil na rin sa huli na siya sa klase. Mabilis niyang pinaaandar ang kayang bisikleta patungo sa eskwelahan. Pagkadating na pagkadating sa paaralan ay nagtatakbo na siya. Adun yung halos magkandasubsob at magkandadapa siya sa sa hagdan sa sobrang pamamadali. Sa wakas ay nasa pinto na siya ng kanilang klasrum.

"Good morning Mam, sorry I'm late." Hingal na hingal na sinabi ni Jaypee sa guro sabay yuko ng ulo.

"Excuse me, as far as I know hindi kita estudyante 1st year class ung hawak ko.
Itinaas ni Jaypee ang kanyang ulo at nakitang hindi nga iyon ang kanyang guro. "Naku sorry po Mam kung nakaistorbo ko kayo sorry po!" tugon nito sa guro. Nasa kabilang room pa pala ung klasrum niya. Inabutan ng kamalas-malasan ang araw na iyon sa kanya. Tinungo na niya ang kabilang kwarto, at andun na nga ang kanyang guro at ang mga kaklase. Nasa may pinto pa lang ay babatiin na sana ni Jaypee ang guro ngunit pinangunahan na siya nito.

"Mr. Maisog late ka na naman! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, my God! Umupo ka na sa upuan mo bago pa mag-iba ang isip ko na tanggapin ka sa klase ko."

Paupo na siya sa kanyang upuan ng biglang pinatid siya ni Miguel. Nasubsob siya at nadukdok ang mukha niya sa sahig. Pinagtawanan siya ng lahat at halos maririnig ang halakhakan sa lahat ng sulok ng silid. Kay Jaypee naman ay wala lang iyon dahil halos araw-araw naman ay palaging ganoon ang nangyayari sa kanya nandun pa nga yung lagyan ng saging ang kanyang nilalakaran para madapa.

Tuwing pagkauwi sa klase ay bumbili siya ng lotto ticket para tumaya dahil nagbabakasakaling palaring manalo. Nagtitinda rin siya ng balot sa gabi para makadagdag sa baon. Isang araw ng Sabado nagbabasa siya ng diyaryo mula sa kapit-bahay niya, at tiningnan niya ung resulta ng bola sa lotto sa raffle ticket niya. Nanlaki ang mata niya ng makitang magkakamukha ang numero ng ticket niya sa dyaryo. Tumalon siya sa tuwa at pinaghahalikan ang kanyang ina habang binabalita ang pagkakapanalo. Pinangako niyang magbabago na ang buhay nila mula ngayon hindi na siya papayag na api-apihin ng mga kaklase niya at palaging magiging masarap na ang ulam nila, at mag-aalasenyorito siya.

"Mama, pakiabot nga po yung friedchicken" sabi ni Jaypee sa ina

"Oh eto, nga pala ano yung gagawin mo mamaya?" tanong ng ina.

"Ahm, mamimili ako ng damit nasusuotin ko bukas." Sagot kay Hilda.

Habang kumakain ay bigla nalang may tumapik sa likod niya ng malakas. Nagulat siya, tinapik pala siya ng kanyang ina dahil nakatulala ito habang nagbabasa ng diyaryo. Biglang naglaho ang pangarap ni jaypee ng yumaman ngunit sinubukan niyang tingnan ulit yung dyaryo. Hindi siya makapaniwala sa nakita, hindi na siya nangangarap totoo ngang nanalo sila sa lotto! Pinakita niya ito sa ina upang patotohan na hindi siya nangangarap. At hindi nga nagkamali si Jaypee dahil tumutugma ang ticket ni Jaypee sa dyaryo. Ngunit bigla na lang naghahalakhak si Aling Hilda.
"Oh nay bakit ka po tumatawa hindi po ba totoo?" pagtatakang tanong niya.
"Haay anak, oo magkatugma nga yung mga numero ng ticket mo sa dyaryo pero tingnan mong mabuti ang dyaryo," natatawang tugon ni Hilda.

Tiningnang mabuti ni Jaypee ang dyaryo ngunit nang Makita ay magkamukha talaga ang mga numerong iyon hanggang natingin siya sa itaas ng dyaryo. Biglang gumuho ang mundo niya na matuklasan ang katotohanan. Sana nananaginip lang siya. At natuklasan nga niyang ang diyaryong binagbabatayan niya ay noong isang linggo pa.

Labels:


Saturday, February 3, 2007

Badtrip na!! Malas pa!! [ni Jinx]

Ganito kasi yyun, araw ng Lunes un eh!!! Ginigiing ako ng papa ko nun dahil mag-aalas singko y medya na. Pagbangon ko sa kama, sermon agad ang banat sa akin ng maging kong papa. Hanggang sa makatapos akong mag-ayos ng sarili ko papasok sa iskwelahan. Biruin mo umagang umaga sermon agad. Nakakabadtrip yun... Lakas makasira ng araw. "Badtrip"...

Pag-alis ko ng bahay di ko namalayan na hindi pala ako nakahingi ng baon ko para sa araw na yon. Mabuti na lang sa wallet ko ay may natabi pa akong bente pesos. Mabuti at may pamasahe pa ako. Bale Alas sais y medya na ako nakasakay sa jeep. Kalahating oras na lang at malelate na naman ako sa subject kong Chemistry, may exam pa naman kami nun! Dumating ako sa bayan ng 6:45am. Nagmamadali ako nung sumakay sa jeep na karatig patungong BulSU. Akala ko ay hindi ako mahuhuli sa aking exam... pero sa kasamaang palad! Ang nasakyan kong jeep, mas mabagal pa sa pagong, gusto ko nang suntukin at murahin yung driver at sigawan siyang bilisan ang pagpapatakbo dahil malelate na ako. "Malas!" Nasabi ko na lang sa sarili ko. Sa wakas nakarating din ako sa BulSU, inabot ako ng bagong taon bago makarating dito. Nang papasok na ako sa 3rd gate, biglaang sinita ng gwardya, dahil sa buhok ko. Amf! Ang malas ko talaga. Pagdating ko sa klasrum, habang nagsasagot ako, bigla kong nakalimutan ng pinag-aralan ko. Biruin mo nasermunan ako, naiwan ko baon ko, nalate sa exam, wala pa akong naisagot, nasita pa ako ni "Cholo", ang bwisit na gwardya sa BulSU.

Marahil malas lang talaga ako nung araw na yon hehe. Malas lang talaga ako dahil sa resulta ng pagsusulit, ayun lagapak ang grado ko! Patay pa ako sa papa ko! Hindi lang nung araw na yon nangyari sakin ang kamalasang naranasan ko. Paulit-ulit ko tong nararanasan sa buhay ko. "Kamalasan" - di inaasahan, kusang darating at mangyayari sa ating buhay.

Labels:


Friday, February 2, 2007

Kamalasan [ni Pandora]

Sabi nila, iba't-ibang uri daw ang kamalasan, magkakaibang dahilan at pare-parehong pangit ang kinakalabasan. Naghahatid ng hirap at pighati sa mga taong dadapuan nito.

Ngunit para sa akin, kahit ano pa ito naniniwala pa rin ako na tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana at kasiyahan. Ano mang problema ang dumating sa atin. Lagi lang natin isipan na hindi ito kamalasan bagkus isang pangyayari na makatutulong sa atin upang hindi dumepende sa swerte lamang. Naniniwala akong nasa Diyos ang awa, nasa tao ang swerte.

Kumilos ka at abutin ang bagay na iyong nais at huwag isakapalaran ang buhay sa swerte. Dahil baka sa bandang huli ay ikaw ang malasin.

Labels:


Thursday, February 1, 2007

Ok Na Sana... Minalas Pa! [ni Josa]

Sa araw-araw ng ating pamumuhay,hindi natin maikakailang may mga pangyayaring nagaganap na hindi naman natin inaasahang dumating.Pero sa mga pangyayaring ito mayroong ang resulta ay negatibo,yung tipong maiiyak ka sa sobrang pagkainis.Narito ang ilang mga halimbawa…

Sa nakaraang enrolan para sa ikalawang semester sa aming Unibersidad,kapuna-puna ang hindi matapos-tapos at napakahabang pila sa cashier kung kaya't kanya-kanyang gimik ang bawat estudyante para lamang mauna sa pila.Isa sa mga estudyanteng tunay na naghanda upang mauna sa pila ay si JC Banag,nakuha ko ang kanyang kwento sa isang school paper ng aming Unibersidad,ang Pacesetter.

Kasabay ng pagpikit ng ating mga mata para sa isang matiwasay na pagtulog.Ibang paghahanda naman ang ginagawa ni JC,paghahanda upang magtungo sa Unibersidad para pumila sa cashier ng sa gayo'y makatapos na ng tuluyan sa pag-eenrol.

Alas-onse ng gabi,matapos manuod ng TV,kayang tinahak ang madilim na daan patungo sa nasabing Unibersidad.Dala ang kaunting kukutin at ang mga gamit na kakailanganin sa pag-eenrol mula Pulilan,kung saan siya nakatira nakarating siya ng matiwasay sa Unibersidad.
Sa mga oras na kakalam ang kanyang sikmura,dumudukot na lamang siya sa kanyang bag upang hindi mawala sa pila.Hindi naman naging malungkot ang kanyang paghihintay dahil may mga kasamahan din siyang matiyagang naghintay.Nilibang na lamang nila ang kanilang mga sarili sa walang sawang kwentuhan.

Ngunit sa kabila ng mahabang oras ng kanilang ginugol sa paghihintay,isang boses ang nagsabing,"BAWAL ANG NAKA-CIVILIAN" pagsapit ng ika-apat ng umaga.Sa kadahilanang malayo ang kaniyang pinanggalingan,hindi na niya inisip na umuwi bagkus ay nanghiram na lamang siya ng uniporme.

Sa pangyayaring iyon,naupo na si JC,at siya na ang kauna-unahan sa pila.Nagpatuloy ang oras,mapapansin ang paminsan-minsan niyang pagkayuko dahil sa antok pero sige pa rin.Sa pagsikat ng araw…

Ganap na ika-walo at kalahating oras,nagbukas din sa wakas ang cashier,kapansin-pansing late ng kalahating oras.Kasabay ng pagbubukas ang lubos na kagalakan ni JC.At ng tuluyan na siyang makabayad,napasigaw siya…
Maya-maya'y lumapit sa kanya ang isang guard,sabay sabing…."Kuhanin ko ang ID mo,kuhanin mo sa guidance…"

Kahabag-habag na JC,ok na sana minalas pa!!!

Siguro nga minalas si JC sa pagkakataong iyon dahil nakuha pa ang kanyang ID dahil lamang sa isang sigaw.Pero may mas malas pa sa kanya sa panahong iyon,ito ang mga estudyanteng matiyagang pumila pero nang sila na ang magbabayad ay bigla na lamang sasabihing…"CUT_OFF!!!"

Mula ng tayo'y isinilang kakambal na natin ang kasarian na sa ati'y nakalaan.May ilang hindi nakuntento sa kinalabasan kayat nag-asam ng bagay na hindi hindi sa kanila'y napasakamay. O kay malas nga naman kasariang inaasam ay hindi nakamtan.

Sa panahon ngayon marami na tayong makikita na mga 3rd sex sa paaralan, pamilihan at kung saan saan nakakalat sa daan. Marami ang hindi makaunawa sa kanilang kinalalagyan hindi maintindihan kung bakit hindi nakuntento sa kasarian laan ng may Kapal. Masasabing minalas nga sila dahil hindi ito napasakamay nila pero masaya na ring namumuhay sa mundong wari'y hindi sila nabibilang. Ngunit maging anu paman ang iyong kasarian babae, lalake, balka o tomboy man dito sa mundong likha ng may Kapal lahat tayo ay pantaypantay.

Meron nga bang nakalalamang sa babae at sa lalaki? Sino ang tunay na malas? Naging atin ng batayan ang kadahilanang na ang babae ay nagmula lamang sa lalake kaya ito ay kakabit na ang mga lalaki ay mas nakalalamang, subalit sapat na ba itong basehan.

Para sa aking pansariling opinion ang mga babae ang hindi pinalad o mas malas kaysa sa mga lalaki. Sa simulat sapul naman lagi na ang mga lalaki mas malakas.

Ngunit sa kabilang banda may swerte din angkin ang mga babae dahil nasa kanilang mga kamay ang pag-ibig na mimithi ng mga lalaki, siya lamang ang may karapatan . Kung hindi sila sagutin ng babaeng kanilang sinisinta duguang puso ay uuwi ng luhaan ng dahil lang sa isang "oo" hindi nakamtan.

Sa kabilang dako ang mga lalaki lamang ang may karapatang mamili ng kanilang iibigin. Samantalang ang mga babae bahala na kung sino ang dumating, puti na ang mata pag-ibig na inaasam ay di pa rin makamtan, at ito ay nanatiling pangarap na lamang. Dahil sa ating kultura ay lalaki ang naghahayag ng kanilang saloobin at hindi magandang tingnan kung ang babae ang magpapahayag. Dahil kungg ito ang gagawin mo makakatanggap ka ng mga pang-iinsulto at salitang labis na makakasakit sa iyong damdamin.

At di pa natatapos ang lahat diyan . Sa oras naming dumating ang sa tingin natiy tamang lalaki sa ating buhay. At hahantong na sa kasalanan, sino ang magdadala ng bunga ng mapusok na pag-iibigan ? Siyempre ang mga babae na naman. Hindi ba pwede alternate naman?.Palagi na lang babae, at ito ay dadalhin pa ng siyam na buwan sa kanyang sipupunan. Matapos ang siyam na buwan ng paghihirap ang pagsilang nito ay dadating na, sa panahong ito kawawang babae panibagong paghihirap ay muli nitong kahaharapin, habang ang lalaki ay nmay kaunting kaba na nakaupo sa labas.

Siguro nga madalas mahirap ang trabaho ng mga lalaki pero kung ating iisipin daig ng mga Gawain ng ina sa bahay ang mabigat na trabaho ng mga lalaki dahil magagawa nila ang mga Gawain bilang isang ina at asawa.papaano ang mga “working moms" kahanga hanging mga babae. Pero sa likod nito nakalulungkt isiping di nakikita ng karamihan ang mga ginagawa ng mga babaeng ito. At sa halip ay nananatili sa kanilang isipan na mas magaling pa din ang mga lalaki.

Labels:

 

 

 
 
 
BALAT SA PWET
SIGE NGA!
naniniwala ako sa...
malas
swerte
pareho
wala

ANG MGA SALARIN
Omen, Fengshui, Dolores, Saga,
Jinx, Pandora, Sisa, Eiwkz,
Carandiru, Josa, Paranoia
SYA NGA?!

++++++++++++++
ANG KOLEKSYON...
MARAMING SALAMAT
wana
peyt, kris, eljay, gera, kaye, leo
+++++++++++++
Adobe Photoshop CS
Macromedia Fireworks
Macromedia Dreamweaver
Microsoft Frontpage
+++++++++++++
Inobscuro
MikoBrush
Photobucket
cbox
co.nr
+++++++++++++
Now Playing:
Dance of the Sugarplum Fairies
by Piotr Tchaikovsky

+++++++++++++
Blogger
balat.sa.pwet
disyembre 30, 2006
layout and design by Paranoia