Napakahirap Mag-exam! [ni Fengshui]
Bilang isang mag- aaral isa sa mga magandang pangyayari at gusto ng lahat ay ang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit man o takdang aralin. Pero nakakaasar lang talaga dahil kung minsan ay kahit anong review pa ang gawin ko ay mababa pa rin ang nakukuha ko.
Tulad na lang ni Ms. Dren ("Nerd"), kaklase ko nung fourth year high school, nung tinext ko siya kung meron siyang maibabahaging kamalasan na naranasan niya, sabi niya na lang ay nung nakakuha siya ng 67 na grado sa kanilang exam and take note prelims pa naman daw nila ‘yon. Hayz, nung una ay medyo nabigla din ako sa sinabi n'ya, kahit na iyon palang ang nasabi n'yang kamalasan, sapagkat ang pagkakakilala ko sa kanya ay isang masipag at matiyagang estudyante at talaga namang nag-aaral kaya nakakabigla ng makakuha siya ng ganoong marka.
At dahil don ay naisip ko nanaman ang isang mapaglarong kaisipan na lagi na lang pumapasok sa aking isipan kapag nakakakuha ako ng mababang marka at yun ay "huwag ng mag-review pa sa tuwing may pagsusulit". Maraming beses na akong hindi nagrereview at kung kailan ganito ang ginagawa ko ay saka naman ako nakakakuha ng mataas na marka at highest pa kung minsan, kaysa naman na kapag pinaghirapan kong reviewhin ay saka pa ako nakakakuha ng hindi kanais nais na marka, at kahit na anong gawin kong pag-alala sa mga nireview ko kapag magsusulit na ay hindi ko pa rin ito maalala kaya lalo pa tuloy akong bumabagsak. Hayz!!
Tama na nga itong pagdadamdam ko sa mga mabababang marka at pahirap na pagsusulit, dahil ang isa ko pang kaibigan may masmalalang naranasan sa araw ng kanilang pagsusulit at sigurado kahit sino ay ayaw ding mangyari ito sa kanya. Hmm... Gusto n'yo bang malaman ang nangyari sa kanya? Sige na nga, heto na at hindi ko na kayo paghihintayin pa.
Ganito kasi ‘yon, sa isang silid aralan kung saan isang seksyon ay kumukuha at hirap na hirap sa kanilang pagsusulit ay may isang bata na hirap na hirap na din sa kanyang nararamdaman na pilit na tinatago at nililihim, ang ano? Ang pananakit ng kanyang tiyan. Oh, ano na gets n'yo ba? Hmm... Kung ang iniisip n'yo ay dinatnan siya ng diahrrea, may tama ka! Buti na nga lang daw ay grade 1 pa lang sila noon at sa lugar na iyon ay alang pakialamanan kapag nagsusulit na, kaya ligtas siya pero malas pa rin sapagkat dahil sa nangyari aynawalan na siya ng konsentrasyon sa pagsasagot. At ang nakuhang marka? Alam n'yo na yun!
Magandang aral: "Huwag masyadong damdamin ang exam. Huwag ng mag-review para walang pagsisihan. Ilabas na ang dapat na ilabas bago pumasok sa eskwela."
Labels: Fengshui
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home