Thursday, February 1, 2007

Ok Na Sana... Minalas Pa! [ni Josa]

Sa araw-araw ng ating pamumuhay,hindi natin maikakailang may mga pangyayaring nagaganap na hindi naman natin inaasahang dumating.Pero sa mga pangyayaring ito mayroong ang resulta ay negatibo,yung tipong maiiyak ka sa sobrang pagkainis.Narito ang ilang mga halimbawa…

Sa nakaraang enrolan para sa ikalawang semester sa aming Unibersidad,kapuna-puna ang hindi matapos-tapos at napakahabang pila sa cashier kung kaya't kanya-kanyang gimik ang bawat estudyante para lamang mauna sa pila.Isa sa mga estudyanteng tunay na naghanda upang mauna sa pila ay si JC Banag,nakuha ko ang kanyang kwento sa isang school paper ng aming Unibersidad,ang Pacesetter.

Kasabay ng pagpikit ng ating mga mata para sa isang matiwasay na pagtulog.Ibang paghahanda naman ang ginagawa ni JC,paghahanda upang magtungo sa Unibersidad para pumila sa cashier ng sa gayo'y makatapos na ng tuluyan sa pag-eenrol.

Alas-onse ng gabi,matapos manuod ng TV,kayang tinahak ang madilim na daan patungo sa nasabing Unibersidad.Dala ang kaunting kukutin at ang mga gamit na kakailanganin sa pag-eenrol mula Pulilan,kung saan siya nakatira nakarating siya ng matiwasay sa Unibersidad.
Sa mga oras na kakalam ang kanyang sikmura,dumudukot na lamang siya sa kanyang bag upang hindi mawala sa pila.Hindi naman naging malungkot ang kanyang paghihintay dahil may mga kasamahan din siyang matiyagang naghintay.Nilibang na lamang nila ang kanilang mga sarili sa walang sawang kwentuhan.

Ngunit sa kabila ng mahabang oras ng kanilang ginugol sa paghihintay,isang boses ang nagsabing,"BAWAL ANG NAKA-CIVILIAN" pagsapit ng ika-apat ng umaga.Sa kadahilanang malayo ang kaniyang pinanggalingan,hindi na niya inisip na umuwi bagkus ay nanghiram na lamang siya ng uniporme.

Sa pangyayaring iyon,naupo na si JC,at siya na ang kauna-unahan sa pila.Nagpatuloy ang oras,mapapansin ang paminsan-minsan niyang pagkayuko dahil sa antok pero sige pa rin.Sa pagsikat ng araw…

Ganap na ika-walo at kalahating oras,nagbukas din sa wakas ang cashier,kapansin-pansing late ng kalahating oras.Kasabay ng pagbubukas ang lubos na kagalakan ni JC.At ng tuluyan na siyang makabayad,napasigaw siya…
Maya-maya'y lumapit sa kanya ang isang guard,sabay sabing…."Kuhanin ko ang ID mo,kuhanin mo sa guidance…"

Kahabag-habag na JC,ok na sana minalas pa!!!

Siguro nga minalas si JC sa pagkakataong iyon dahil nakuha pa ang kanyang ID dahil lamang sa isang sigaw.Pero may mas malas pa sa kanya sa panahong iyon,ito ang mga estudyanteng matiyagang pumila pero nang sila na ang magbabayad ay bigla na lamang sasabihing…"CUT_OFF!!!"

Mula ng tayo'y isinilang kakambal na natin ang kasarian na sa ati'y nakalaan.May ilang hindi nakuntento sa kinalabasan kayat nag-asam ng bagay na hindi hindi sa kanila'y napasakamay. O kay malas nga naman kasariang inaasam ay hindi nakamtan.

Sa panahon ngayon marami na tayong makikita na mga 3rd sex sa paaralan, pamilihan at kung saan saan nakakalat sa daan. Marami ang hindi makaunawa sa kanilang kinalalagyan hindi maintindihan kung bakit hindi nakuntento sa kasarian laan ng may Kapal. Masasabing minalas nga sila dahil hindi ito napasakamay nila pero masaya na ring namumuhay sa mundong wari'y hindi sila nabibilang. Ngunit maging anu paman ang iyong kasarian babae, lalake, balka o tomboy man dito sa mundong likha ng may Kapal lahat tayo ay pantaypantay.

Meron nga bang nakalalamang sa babae at sa lalaki? Sino ang tunay na malas? Naging atin ng batayan ang kadahilanang na ang babae ay nagmula lamang sa lalake kaya ito ay kakabit na ang mga lalaki ay mas nakalalamang, subalit sapat na ba itong basehan.

Para sa aking pansariling opinion ang mga babae ang hindi pinalad o mas malas kaysa sa mga lalaki. Sa simulat sapul naman lagi na ang mga lalaki mas malakas.

Ngunit sa kabilang banda may swerte din angkin ang mga babae dahil nasa kanilang mga kamay ang pag-ibig na mimithi ng mga lalaki, siya lamang ang may karapatan . Kung hindi sila sagutin ng babaeng kanilang sinisinta duguang puso ay uuwi ng luhaan ng dahil lang sa isang "oo" hindi nakamtan.

Sa kabilang dako ang mga lalaki lamang ang may karapatang mamili ng kanilang iibigin. Samantalang ang mga babae bahala na kung sino ang dumating, puti na ang mata pag-ibig na inaasam ay di pa rin makamtan, at ito ay nanatiling pangarap na lamang. Dahil sa ating kultura ay lalaki ang naghahayag ng kanilang saloobin at hindi magandang tingnan kung ang babae ang magpapahayag. Dahil kungg ito ang gagawin mo makakatanggap ka ng mga pang-iinsulto at salitang labis na makakasakit sa iyong damdamin.

At di pa natatapos ang lahat diyan . Sa oras naming dumating ang sa tingin natiy tamang lalaki sa ating buhay. At hahantong na sa kasalanan, sino ang magdadala ng bunga ng mapusok na pag-iibigan ? Siyempre ang mga babae na naman. Hindi ba pwede alternate naman?.Palagi na lang babae, at ito ay dadalhin pa ng siyam na buwan sa kanyang sipupunan. Matapos ang siyam na buwan ng paghihirap ang pagsilang nito ay dadating na, sa panahong ito kawawang babae panibagong paghihirap ay muli nitong kahaharapin, habang ang lalaki ay nmay kaunting kaba na nakaupo sa labas.

Siguro nga madalas mahirap ang trabaho ng mga lalaki pero kung ating iisipin daig ng mga Gawain ng ina sa bahay ang mabigat na trabaho ng mga lalaki dahil magagawa nila ang mga Gawain bilang isang ina at asawa.papaano ang mga “working moms" kahanga hanging mga babae. Pero sa likod nito nakalulungkt isiping di nakikita ng karamihan ang mga ginagawa ng mga babaeng ito. At sa halip ay nananatili sa kanilang isipan na mas magaling pa din ang mga lalaki.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

 

 

 
 
 
BALAT SA PWET
SIGE NGA!
naniniwala ako sa...
malas
swerte
pareho
wala

ANG MGA SALARIN
Omen, Fengshui, Dolores, Saga,
Jinx, Pandora, Sisa, Eiwkz,
Carandiru, Josa, Paranoia
SYA NGA?!

++++++++++++++
ANG KOLEKSYON...
MARAMING SALAMAT
wana
peyt, kris, eljay, gera, kaye, leo
+++++++++++++
Adobe Photoshop CS
Macromedia Fireworks
Macromedia Dreamweaver
Microsoft Frontpage
+++++++++++++
Inobscuro
MikoBrush
Photobucket
cbox
co.nr
+++++++++++++
Now Playing:
Dance of the Sugarplum Fairies
by Piotr Tchaikovsky

+++++++++++++
Blogger
balat.sa.pwet
disyembre 30, 2006
layout and design by Paranoia