Guhit ng Palad [ni Saga]
Ang kamalasan ay sadya nga bang nakasalalay sa kamay ng tao o ang kapalaran na ang nagtatakda nito? Narito ang isang kwento na hango sa tunay na buhay na nakakapagsabi na ang kamalasan ay maaaring nakaguhit sa ating palad.
Mayo 16, 2005 si Aiko ay nakatakda dapat na sumundo sa kanyang tiyuhin na nanggaling sa ibang bansa, kasabay nito ang kanyang mga mga pinsan ay nakaplanong magpunta sa Batangas . May 15,2005 sa hindi inaasahang dahilan ang kanyang tiyahin ay hindi na sasama sa pagpunta sa batangas. Kaya si Aiko ay inanyayahan ng kanyang pinsan na sumama sa Batangas, dali naming pumayag ito at hindi na siya matutuloy na sumundo.
Kinabukasan tinanghali siyang gisingin subalit hinintay pa din siya, ng siya ay magbibihis na ang kanyang pantalon ay tila umurong na parang lumiit kaya hindi nito masuot tila may pinahihiwatig na huwag ng tumuloy. Sila ay bumaybay na patungo sa kanilang pupuntahan. Nang sila ay makarating agad silang bumaba at pinagmasdan ang maganda tanawin, sa hindi kalayuan ang kanyang pinsan ay natanawan ng isang magandang dagat. Agad itong nagyaya para pumunta doon, hindi na dapat sasama si Aiko subalit dahil nga sa pagpupumilit ng kanyang pinsan ay pumayag na din ito.
Habang papunta na sila sa tabing dagat, ang kanilang sinasakyan nila ay nasiraan kaya ang kanilang driver ay bumaba upang tingnan ito sinabi niyang maliit na sira at pagdating nalang sa dalampasigan ito aayusin. Ang pangyayaring ito ay tila isa pang pangitain na pumipigil sa kanilang pagtuloy. Sila nga ay tumuloy na, at isang kagimbalgimbal ang tila nakatakdang mangyari. Ang kanilang sinasakyan ay nahulog sa bangin habang papunta sa dagat. Sa pangyayaring ito siya kasama ang kanyang ilang pinsan, tiyahin at tiyuhin ay namatay. Sa kabilang dako sa kanyang mga pinsan na naiwan sa Hagonoy ay may tumatawag, at ito nga ay si aiko subalit sa mga panahong iyon ay wala na siya, ang dalaga ay nakapagtext pa din sa kanyang mga kamag-aral na tila nagpapaalam wari'y hindi na magkikitakita.
Itoy ay isang malunkot na kwento na nagpapakita ng kapalaran ng isang dalagita. Sa kabila ng maraming bagay na tila pumipigil upang ito ay hindi mangyari, tila sadyang nakaguhit na sa kanyang palad na mangyari ang trahedyang ito..
Kung ang kamalasan man ay kapalaran o tayo ang gumagawa nito, isa lang ang dapat nating tandaan. Na ang kamalasan ay walang pinipiling oras, tao o pangyayari. Ito ay maaaring maganap kahit sa hindi inaasahang panahon kaya dapat lagi tayong may ibayong pag-iingat at sampalataya sa Panginoon dahil nasa kanyang kamay ang aaring maganap.
Naniniwala ka ba sa guhit ng kapalaran? Naniniwala ka din ba na may taong pinanganak na malas? Tunghayan natin ang kwentong ito, at ating obserbahan at husgahan ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kamalasan.
"Haay, araw-araw nalang puro baka ung ulam natin mama wala na bang iba?" wika ni Jaypee sa ina.
"Ganon ba? Oh sige pakuha ka nalang kay yaya ng gusto mong ulam." Sagot ni Hilda sa anak.
"Wag na ma, magpadeliber ka na lang ng pizza at lasagna padala mo na lang sa kwarto ko maglalaro na lang ako ng Ragnarok sa computer." Tugon nito sa ina sabay alis sa mesang pinagkakainan at pumasok sa kwarto.
"Haay, palagi na lang ganito parang nagsasawa na ako sa buhay na ganito, halos lahat ng pagkain na yata nakain ko na eh." Wika niya sa sarili. Maya-maya lang ay may kumatok na sa kanyang kwarto at nag-abot ng delivery. Binuksan na niya ang kahon ng pizza at kumuha ng isang hiwa nito. Isusubo nasana niya ang pizza nang bigla na lang…
"Jaypee!!! Hoy bata ka mahuhuli ka na sa klase mo, mag-aalasyete na!" sigaw ni Hilda sa anak.
"Nay naman eh! Palagi ka na lang ganyan eh! Isusubo ko na yung pizza weh! Naman! Sayang tuloy dapat makakakain na ako ng pizza weh!" pabalang na sagot nito
sa ina.
"Hoy tantanan mo nga akong bata ka! Nung isang araw naman cake at tapa ung napapanaginipan mo. Tigilan mo na nga yang ilusyon mong iyan dahil walang matutulong na maganda yan sa'yo! Hala umigib ka na pampapaligo mo andun ung agahan mo sa mesa. Bilisan mo at huli ka na naman sa klase." Sabi nito sa anak.
Madaling-madali si Jaypee sa pag-aayos. Sa araw-araw ba naman ng ginawa ng Diyos eh, palaging ganito ang sinaryo tuwing umaga sa bahay nila. Tapos ng maligo si Jaypee at nagbihis na siya ng kanyang unipormeng mahahalatang lukot at hindi plantsado. Abala kasi ang ina nito sa paglalabandera kaya hindi na siya amsyadong naaasikaso. Binuklat ni Jaypee ang ulam sa lamesa at nakita niyang tuyo ang ulam, ito ang tuyong tira nila kagabi. Hindi na siya kumain sa pagkasuya sa ulam at dahil na rin sa huli na siya sa klase. Mabilis niyang pinaaandar ang kayang bisikleta patungo sa eskwelahan. Pagkadating na pagkadating sa paaralan ay nagtatakbo na siya. Adun yung halos magkandasubsob at magkandadapa siya sa sa hagdan sa sobrang pamamadali. Sa wakas ay nasa pinto na siya ng kanilang klasrum.
"Good morning Mam, sorry I'm late." Hingal na hingal na sinabi ni Jaypee sa guro sabay yuko ng ulo.
"Excuse me, as far as I know hindi kita estudyante 1st year class ung hawak ko.
Itinaas ni Jaypee ang kanyang ulo at nakitang hindi nga iyon ang kanyang guro. "Naku sorry po Mam kung nakaistorbo ko kayo sorry po!" tugon nito sa guro. Nasa kabilang room pa pala ung klasrum niya. Inabutan ng kamalas-malasan ang araw na iyon sa kanya. Tinungo na niya ang kabilang kwarto, at andun na nga ang kanyang guro at ang mga kaklase. Nasa may pinto pa lang ay babatiin na sana ni Jaypee ang guro ngunit pinangunahan na siya nito.
"Mr. Maisog late ka na naman! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, my God! Umupo ka na sa upuan mo bago pa mag-iba ang isip ko na tanggapin ka sa klase ko."
Paupo na siya sa kanyang upuan ng biglang pinatid siya ni Miguel. Nasubsob siya at nadukdok ang mukha niya sa sahig. Pinagtawanan siya ng lahat at halos maririnig ang halakhakan sa lahat ng sulok ng silid. Kay Jaypee naman ay wala lang iyon dahil halos araw-araw naman ay palaging ganoon ang nangyayari sa kanya nandun pa nga yung lagyan ng saging ang kanyang nilalakaran para madapa.
Tuwing pagkauwi sa klase ay bumbili siya ng lotto ticket para tumaya dahil nagbabakasakaling palaring manalo. Nagtitinda rin siya ng balot sa gabi para makadagdag sa baon. Isang araw ng Sabado nagbabasa siya ng diyaryo mula sa kapit-bahay niya, at tiningnan niya ung resulta ng bola sa lotto sa raffle ticket niya. Nanlaki ang mata niya ng makitang magkakamukha ang numero ng ticket niya sa dyaryo. Tumalon siya sa tuwa at pinaghahalikan ang kanyang ina habang binabalita ang pagkakapanalo. Pinangako niyang magbabago na ang buhay nila mula ngayon hindi na siya papayag na api-apihin ng mga kaklase niya at palaging magiging masarap na ang ulam nila, at mag-aalasenyorito siya.
"Mama, pakiabot nga po yung friedchicken" sabi ni Jaypee sa ina
"Oh eto, nga pala ano yung gagawin mo mamaya?" tanong ng ina.
"Ahm, mamimili ako ng damit nasusuotin ko bukas." Sagot kay Hilda.
Habang kumakain ay bigla nalang may tumapik sa likod niya ng malakas. Nagulat siya, tinapik pala siya ng kanyang ina dahil nakatulala ito habang nagbabasa ng diyaryo. Biglang naglaho ang pangarap ni jaypee ng yumaman ngunit sinubukan niyang tingnan ulit yung dyaryo. Hindi siya makapaniwala sa nakita, hindi na siya nangangarap totoo ngang nanalo sila sa lotto! Pinakita niya ito sa ina upang patotohan na hindi siya nangangarap. At hindi nga nagkamali si Jaypee dahil tumutugma ang ticket ni Jaypee sa dyaryo. Ngunit bigla na lang naghahalakhak si Aling Hilda.
"Oh nay bakit ka po tumatawa hindi po ba totoo?" pagtatakang tanong niya.
"Haay anak, oo magkatugma nga yung mga numero ng ticket mo sa dyaryo pero tingnan mong mabuti ang dyaryo," natatawang tugon ni Hilda.
Tiningnang mabuti ni Jaypee ang dyaryo ngunit nang Makita ay magkamukha talaga ang mga numerong iyon hanggang natingin siya sa itaas ng dyaryo. Biglang gumuho ang mundo niya na matuklasan ang katotohanan. Sana nananaginip lang siya. At natuklasan nga niyang ang diyaryong binagbabatayan niya ay noong isang linggo pa.
Labels: Saga
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home