Wednesday, January 31, 2007

Interbyung Malupet! [ni Fengshui]

Ang kwentong ito ay aktwal na nangyari sa isang malapit na tao sa akin,(at sa totoo lang ay katabi ko siya ngayon habang sinusulat ko ito) na pinagdarasal kong hindi mangyari sa akin sa padating ng panahon.

Isang araw may tumawag sa'king kompanya at pinapatawag ako para sa isang interview. Nang pinuntahan ko na, siyempre dapat ang suot ay formal dress at disente kaya nag-white pants at black shirt ang suot ko. Habang papunta na ako sa kompanya, naglalakad sa kalsada na medyo basa pa dahil kauulan pa lang, ay may biglang may rumaragasang kotseang walang humpay sa pagharurot at dahil nga sa may tubig-tubig at maputik ang kalsada ay gumilid ako pero sa malas ay nahagip pa rin at natalsikan ang puti kong pantalon ng napakaduming putik. At dahil sa kailangan kailangan ng trabaho, kahit asar na sa nangyari, ay pumunta pa rin sa interview. Laking hiya ko non dahil lahat ng nasa opisina na nakakita ay nakatingin lahat sa kalahating puti at kalahating mala-tsokolate kong pantalon. At nung ako na ang iniinterbyu ay ang unang tinanong sa akin ay "Anung nangyari sa iyo?" habang nakatingin sa pants ko at kitang kita ko ang kanyang mukhang hindi maipinta. Asar! Yun ata ang naging dahilan kung ba't hindi ako natanggap eh.

Magandang aral: "Sa mga importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin ay dapat lagi kang handa, huwag kalimutang mag-isip ng maganda at kapanipaniwalang Alibi."

Labels:


Sunday, January 28, 2007

Pahirap na Hagdan [ni Fengshui]

Naranasan mo na bang mahulog sa hagdan? Ako, oo. Nung bata pa ako nahulog na ako sa hagdan ng aming bahay maraming beses na at dahil sa taas at dami ng baitang nito ay ito pa ang naging sanhi para mabawasan ang aking mga ngipin noon, buti na lang at tumubo pa rin silang lahat at ayos naman ngayon. Hehe.

Sa nangyaring yon masasabi ko na hindi pa naman masyadong malalala ‘yon sapagkat ang pagkahulog ko ay sa bahay lang naman namin at pamilya ko lang ang nakakita kaysa naman sa dalawa kong kakilala na si Goluh 1 at Goluh 2 (“Hulog”). Pareho sila na may hindi kanais nais na karanasan din tungkol sa hagdan.

Si Goluh 1, nahulog sa hagdan ng dorm nila. Okey pa naman yun siguro kahit paano dahil mga dormates lang din nya ang nakakita. Pero itong kay Goluh 2 ang malupet. Sa isang sikat na mall para hindi na masyado pang mapagod ay sumakay na lang ang escalator ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na lang siyang nadapa dito and take note my dear reader, nasa mall siya kaya siguradong maraming tao kaya marami din ang nakakita sa nangyari sa kanya. Na-imagine n’yo naman siguro ang mga mukha at ekspresyon ng mga taong usi(usisero), di ba sobrang nakakahiya yon?

Magandang aral: “Huwag nang maghagdan, mag-elevator na lang. Kung ala, eh di magpagawa!”

Labels:


Thursday, January 25, 2007

Fieldtrip [ni Omen]

Sobrang excited na ko kahit bukas pa ang fieldtrip namin ewan ko ba kung bakit? sigura mag-eenjoy ako bukas, bumili na nga ako nga mga ibabaon ko. Sa sobrang excited, hindi na nga ako nakatulog, (ganto ba talaga feeling ng ngayon lang makakapunta sa enchanted?). kinabukasan eto na ang pinakahihintay ko FIELDTRIP na namin!.... dahil sa hindi ako nakatulog tinanghali ako ng gising, natakot ako baka kasi iniwan na ko, buti na lang hindi pa sila nakakaalis dahil inaayos pa ang sitting arrangement.

Sa wakas after ten years nakaalis na rin kami. Eto na! Dumating na ang pinakhihintay ko. Habang umaandar ang bus naming doon na kami pinaglunch habang inilalabas ko ang pagkain ko , mayroong amoy na namamayani sa aking ilong na hindi kanaisnais, parang panis eh, at nang inilapit ko ang ilong ko sa aking kanin ito pala ang masangsang na amoy, panis pala ang kanin ko siguro sa sobrang pagmamadali ko nailagay ko agad ang kanin sa lalagyan kahit hindi ko pa napapalamig. Nakakahiya nga eh! Maltakin mo tumingin silang lahat sa akin at parang naaawang nang-iinsulto.(nakakahiya ,I’am so shy) dahil sa panis na ang kanin ko, binigyan na lang ako ng kanin ng katabi ko, na parang may tuberculosis, syempre tinanggap ko na! pagkain din naman yon eh. Sa pagkakataong iyon hindi ko inisip na napakamalas ko nung araw na iyon. Pero nung pati kutsara at tinidor ay nakalimutan ko rin, naisip ko parang nagsisimula na ang mga (sumpang) kamalasang dumating sa akin nung araw na iyon.

Pinagtiisan ko yung kutsara ng katabi ko na kahit mayroong pang tira-tira kanin, yung tipong nakadikit, kasi pritong meatloaf ang ulam nya. Pagkadating namin sa enchanted hindi ko na inisip ang mga nangyari sa akin at sinabi ko sa sarili ko na magpapakasaya na lang ako kaysa isipin ang mga kamalasang dumarating sa akin. Malapit na kami sa aming pupuntahan, kahit papaano masaya pa rin ako kasi, hindi pa ako nahihilo siguro dahil marami akong ginagawa, pero nung biglang umiwas ang driver naming sa isang sasakyan, naku nagsimula ang malaking kalbaryo ko. Sa di inaasahang pangyayari nabagsakan ako ng gitara ng kaklase ko, SOBRANG SAKIT parang natanggal nga ang ulirat ko eh, hilong-hilo ko nun at doon nagsimula ang matinding hilo at pagsusuka. Ipinatapon ko na lang ang suka ko sa katabi ko ,kasi sya ang malapit sa bintana eh. Kaso lang tinapon nya ang suka habang umaandar ang bus naming ng sobrang tulin, iyon bumalik tuloy sa amin ang suka. Buti na lang maybaon kaming extrang t-shirt.

Pagkadating naming sa enchanted matindi ang sikat ng araw ,sobrang init nga eh!. Pero mas maigi na ang maaraw kaysa umulan, pero kinukutuban parin ako, at eto na nga! hindi pa kami nakakasahay ng isang ride umulan na ng sobrang lakas. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na sana, hindi na lang ako sumama, kung alam ko lang ang lahat ng mangyayari sa akin disin sana’y din na ako nagpatumanggang sumama. Totoo nga ang kasabihan “ Nasa huli ang pagsisisi” pero hindi ko dapat sisihin ang aking sarili dahil nakatakda na talagang mangyari ang lahat. Kaya kayo huwag ka yong maging excited lalo na kung 1st time mo lang sumama sa fieldtrip kasi ang daming mga bagay ang mangyayari ng hindi mo inaasahan.

Labels:


Tuesday, January 23, 2007

Hindi na Natuto [ni Fengshui]

"Aaay, syeete!!" ang bigla ko na lang nasabi sa sarili ko ng bigla akong nadulas sa madulas na bahagi ng pasilyo sa BulSU buti na lang hindi ako napaupo.

Ang dami na siguro talagang nadulas na din sa lugar na yun ng BulSU, dahil bukod sa akin ay may nakita na din akong iba na nadulas doon, kakilala ko man o hindi.

Tulad na lang ng kaibigan ko na itatago ko na lang sa alyas na "Salud" (na kung babasahin mo pabaliktad ay "DULAS" ), nung una sa may pasilyo, na sa tapat ng Cashier at ng Chess Institute, siya nadulas at sa pangalawa ay dun naman sa may third gate dahil may madulas ding bahagi ang gate na iyon. Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit patuloy pa rin siyang hindi nag-iingat at dumadaan doon sa lugar na madulas ayan tuloy, isang umaga at lunes pa man din, habang papunta kami sa kantina ay bigla na lang akong may narinig sa aking likuran at ng aking tinignan ay nadulas na naman siya pero mas malalala ito ngayon dahil napaupo na siya sa pagkakataong iyon.

Hay! Nakakahiya yun sa totoo lang dahil kahit na kaming mga kasama lang niya ang nagtatawanan sa nangyari ay kitang kita ko naman ang mga matatalim na mata ng mga nakakita mula sa Chess Institute ang dami pa naman nila. Kaya kayong mga magigiting na mambabasa paunawa lang po huwag natin tularan si Salud. Ang magandang aral: "Huwag tayong magpapadulas sa harap ng maraming tao."

Labels:


Sunday, January 7, 2007

Wer n U d2 na me [ni Eiwkz]

Kainitan ng unlimited texting ng Globe nang magtanong tanong ako sa mga kaibigan ko ng iba't ibang kwento na masasabi nilang "malas". Merong nakakatawa, meron din namang nakakaloka! Sadyang may mga taong sa kabila ng kamalasan ay nakukuha pang magbiro o ginagawang katatawanan na lamang. Sabagay, bakit mo nga naman didibdibin ang lahat ng bawat pangit na nangyayari sa'yo. Eto ang mga simpleng istorya na buong tyaga at lugod (naks) na tinipon upang suriin kung pano mo masasabing minalas ka na? Batay sa mga istoryang babanggitin, simpleng mga bagay lamang ngunit talaga namang nakakawindang. Tara na! Chika!
[para sa ikadadali ng pagbabasa, amin pong inedit ang mga shortcut text messages, ngunit walang binago sa mga orihinal na mensahe ng nagbahagi ng kanikanilang balat sa pwet]
-----
Edz:
Eto po kamalasan ko naexperience ko nung intrams namin, nawala ako sa Marikina akala ko hindi na ko makakauwi. Pagod na pagod na ko nun kung san ako pumupunta. Wala na sa sarili at di alam ang gagawin kung pano makakabalik. Buti na lang may nabunggo ako na guy na gwapo talaga! Ayun sinamahan nya ko pabalik sa place namin.. O di ba! Unforgettable experience nagdinner pa kami bago bumalik sa place namin.
-----
Baet:
Pumunta ako sa lamay ng lola ko, syempre lamay nga dapat walang tulugan. Tumakas ako ng tulog e wala ako mahigaan.. Ang ginawa ko pinagtabi tabi ko yung mga monoblocks chair eh di mataas na at mukang bed, tuwa naman ako e nahiga na ako paghiga ko natabunan ako ng mga upuan kamusta naman yon, parang ako pa naunang ilibing hahaha!! kasi naman yung lupa bakubako!.. Sa inis ko hindi ko na ininda mga chairs sa ibabaw ko natulog ako sa lapag hindi ko na inalis, kasi mabubuko ako natutulog. hindi ko naman nagawang umiyak dahil tahimik ang lahat haha.

One time pumasok ako papunta skul, eh di bihis na bihis ang lola mo. Pag-akyat ko sa jeep, lahat sila nakatingin sakin syempre ako dedma pa-cute feeling ko ang ganda ko nung umagang yun, infairness yung mga nasa harap ko cutie pie haha pati siya nakatitig sakin nung malapit na sa skul naglakas loob sya sabihin sakin na "Ah miss anu almusal mo?" haha sabi ko naman bakit.. Pacute pa rin.. sabi nya "Eh kasi may kanin ka sa buhok.." hahaha kanin lang pala ang dahilan kaya nila ako tinitingnan!

Sa Abardeen Hotel naman sa Manila, pinilit lang ako ni JP nun tapos akala ko simpleng debut lang pagpasok namin sa hotel merong cameraman at nagbi-video eh lahat ng mga bisita nakaformal attire.. Pag pasok namin ni Deanne pinicturan kami agad naka nursing uniform kami, kamusta naman yun may duty kami sa debut hehe
-----
Dude:
I was in the camp.. Then lahat kami busy sa pagtatayo ng tent.. Tapos nasa likod ko yung crush ko nun then suddenly napatid ako sa isang taling nakausli.. Tapos talagang plakda ako tapos nakita nya ko at ang masama pa dun e hindi nya ako tinulungan how sad.. I was expecting na tutulungan nya ako pero nung tinayo na ko ng iba kong kasama, inalalayan nya na ako kahit pano hanggang sa makaupo
-----
Ice:
Nag-c.r. ako eh ako lang tao, binuksan ko na yung cubicle. Wala naman lock.. Pagbukas ko andun yung teacher na masungit.. Huwah hindi ko alam gagawin ko! Di ako nakaalis kasi natatakot ako baka isumbong ako.. Nagtago ako dun sa isang cubicle tapos tinanong ako kung ano nakita ko, sabi ko wala hehe yung panty lang nya nakababa pero hindi ko sinabi grabe di ko lam gagawin ko kasi sabi nya isusumbong nya daw ako.

Kasi ganito yun.. nung 2nd year.. nagdidiscuss si sir den. Sakin nila pinadodrowing yung gusto nila kasi nga ako yung marunong e pinadrowing ako ng nagfefrench kiss e nasakin yung papel. Bigla kinuha ni sir yung papel sabi nya kababae kong tao.. Ayun napahiya ako sa classroom e inutusan lang naman ako ni dave kasi pangit yung drawing nya.. Katuwaan lang naman e.. ayun.

Labels:


Saturday, January 6, 2007

Malas lang ba o Talagang Tanga? [ni Sisa]

Bakit ba kadalasang sinisisi ang kapalaran sa di maamin-aming katangahan?
Grade 6, nagswimming kami... Nagbaon ako ng pinya at nang binuksan na ay inalok ko ang mga kaklase ko, kumuha naman sila, nakipag-unahan pa nga at sa malas ay naubusan pa ako. (Bakit pa kasio nag-alok eh?)

Nakialam ako sa away ng kaibigan ko at isa pang kaklase, sa inis ng inaaway namin, itinulak niya ako sa pool, di pa naman ako marunong lumangoy noon tapos ay sa malalim pa ako itinulak, muntik na tuloy akong malunod. (Tama ba naman kasing makialam sa away nila?)
Paakyat ako ng slide, bato ang hagdanan pati ang mismong slide. Sa pagmamadali ko sa pag-akyat, tumama ako sa bato at ayun.. nagasgasan tuloy ako. (Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!)

Sa wakas, nakapag-slide din, sa sobrang saya ko (mababaw kasi ang kaligayahan) hindi ko namalayang nakakabutas pala ng damit yung slide. Wala rin namang nagsabi sa akin. Nagulat na lang ako ng pansinin ng kasama ko na butas na pala ang shorts ko. (Huhu)

Nagkaklase kami sa Phyrics, tapos may pinagawa sa aming group activity. Lumabas kami sa quadrangle kasi doon namin iyon gagawin. Tatakbo kami habang inoorasan ito, eksaktong may basang parte pala sa may gitna dahil kauulan lang. Hindi naman ito sinabi s akin ng kagrupo kong nauna nang gumawa kesa sa akin. Ako namang si "sabik gumawa" ay nagtatakbo agad tapos ay splash! Nadulas ako sa harap nilang lahat. Tawa sila ng tawa at inuna pa nila akong pagtawanan kaysa tulungan. (Bakit naman kasi di nag-iingat di ba?)

Likas na daw akong pasaway, kaya nga daw madalas akong pagsabihan ng Prefect of Discipline namin noong 4th year high school.

Noong naasar ako sa mga kasama ko sa grupo ay bigla kong sinuntok yung pinto ng classroom at Presto! Biglang lumabas si Ma'am PoD mula sa ewan ko kung saan at ako'y napagalitan. 1st warning daw.

Sumunod na encounter, uwian na, kami ay naglabasan na ng room. Di ko makita yung kasama ko kaya isinigaw ko ang pangalan niya. Presto na naman! Lumabas uli si Ma'am PoD mula sa kung saan, 2nd warning na!

Sa halos araw-araw ay lagi kaming nagkikita, tuwing umaga, ang sabi niya, "inaaraw-araw mo na ang pagiging late ha!" Patay! (Kung bakit naman nanggugulo sa mundo, eh pwede namang sumunod?)

*sisa ano ba yang entry mo parang nobela pinahirapan mo ko mag-edit at magtype huhu*

Labels:


Thursday, January 4, 2007

Malas nga ba? [ni Sisa]

Malas! Isang salitang palagiang iniuugnay sa isang di magandang pangyayari sa buhay ng tao. Sa pananaw ng mga ito, negatibong bagay ang nais ipakahulugan ng kaawa-awang salita na madalas ay kinaiinisan o di kaya'y ugat ng katatawanan. Dahilan sa pananaw na ito maraming iba't ibang paniniwala ang nabuo, kumalat at tumatak na sa isip ng bawat henerasyon. Kaya nga, hanggang ngayon malakin bahagi, kung hindi man lahat, ay naniniwala pa rin sa isang munting salitang ito na may kakabit na misteryo.


PANINIWALA (Pamahiin)
-Friday the 13th
-number 13
-number 4 (sa China, ang pagbasa nito sa mandarin ay kahawig ng salitang "si" na ibig sabihin ay kamatayan. Gayon din sa Japan)
-pagdaan ng itim na pusa
-pagkabasag sa salamin (pitong taong kamalasan)
-pagbubukas ng payong sa loob ng isang lugar
-pagiging kaliwete (sinistrality)
-paggamit ng Ouija board (tumatawag sa masasamang ispiritu)
-paggupit ng kuko sa gabi
-pag-iwas ng tingin when toasting
-pagsasabi ng "good luck"
-pagpapasalamat sa nagsabi ng "good luck"
-5 leaf clovers

Labels:


Wednesday, January 3, 2007

Balat sa Pwet

Huh? Balat sa pwet? Iwww. Teka teka balat na birthmark hindi skin ok? Sa dinami dami ng parte ng katawan bakit kaya sa pwet pa? Pwede naman balat sa kilikili, balat sa tyan, o sa dito o sa dyan. Alam naman nating lahat na pag sinabing "may balat sa pwet" ay tila may natural nang taglay na kamalasan. Isa ito sa mga pamahiin o paniniwalang pinoy na iniuugnay sa kamalasan. Siguro tulad ng ibang pamahiin ay may istorya sa likod ng pagiging malas sa pagkakaroon ng balat sa pwet. Kung ano man yon ay hindi ko din alam. Siguro ay may mabigat na dahilan ang nagpasimuno nito o sya mismo ay may balat sa pwet? Who knows. :)

Kung ating susuriin, maraming iba't ibang magagandang paksa ang mainam gawan ng isang online journal o mas kilala sa tawag na blog. Ngunit sa kalagitnaan ng sunod sunod na kamalasan at dala na rin ng bugnot na kaisipan, pumasok ang ideyang.... bakit di natin pagkwentuhan ang kamalasan! tutal marami tayo niyan!

Sarkastikong pananaw kung iisipin ngunit natatawa tayo sa tuwing babalikan ang mga di kanais nais na mga pangyayari na kung tawagin ay kamalasan. Sa kabila ng simpleng pagkakadulas, nauntog, natalisod, nalaglag na bolpen, tumalsik na laway, bukas na zipper ay nandiyan ang halakhakan ng magkakaibigan o isang palihim na ngisi ng di sinasadyang makasaksi. Ngunit hindi lahat ng kamalasan ay nakakatawa. Merong nakapanlulumo, nakakagimbal, minsan pa nga'y nagiging sanhi ng kamatayan. Sa bawat kamalasan ay may natatagong aral, may mensaheng nais ipahiwatig, isang babala o sa ilang pagkakataon ay nagiging inspirasyon. Yan ang ating pagkwentuhan, kapalaran o sadyang katangahan?

Ikaw... May balat ka ba sa pwet?

 

 

 
 
 
BALAT SA PWET
SIGE NGA!
naniniwala ako sa...
malas
swerte
pareho
wala

ANG MGA SALARIN
Omen, Fengshui, Dolores, Saga,
Jinx, Pandora, Sisa, Eiwkz,
Carandiru, Josa, Paranoia
SYA NGA?!

++++++++++++++
ANG KOLEKSYON...
MARAMING SALAMAT
wana
peyt, kris, eljay, gera, kaye, leo
+++++++++++++
Adobe Photoshop CS
Macromedia Fireworks
Macromedia Dreamweaver
Microsoft Frontpage
+++++++++++++
Inobscuro
MikoBrush
Photobucket
cbox
co.nr
+++++++++++++
Now Playing:
Dance of the Sugarplum Fairies
by Piotr Tchaikovsky

+++++++++++++
Blogger
balat.sa.pwet
disyembre 30, 2006
layout and design by Paranoia